MANILA, Philippines – Nagdomina ang magkapatid na sina Malvinne Ann at Mark Shelley Alcala sa katatapos na Smart-Prima Pasta Badminton Open Championship sa Powersmash Badminton courts sa Makati City.
Ang dating national player na si Poca ay nanalo laban kay Bianca Ysabelle Carlos ng Ateneo, 21-14, 9-21, 21-17, para kunin ang kampeonato sa women’s open singles sa kompetisyong inorganisa ni Alex Lim at may ayuda ng Smart at basbas ng Philippine Badminton Association.
Hindi nagpahuli si Mark Shelley na nakadalawang kampeonato sa magkaibang age divisions.
Pinabagsak ng 17-anyos na si Alcala si Ross Leenard Pedrosa, 21-26, 23-21, para manalo sa men’s open habang ginapi niya si Cayet Palarillo, 21-18, 21-17, tungo sa under-19 title.
Ang iba pang tumulong sa kompetisyon ay ang MVP Sports Foundation, Boysen Paints, Morning Star Milling, Mabz Builders, ILO Construction, Monolith Construction, Monocrete Construction, Pioneer Insurance, Promax, Regent Foods Corp., Vitwater, Unilever, Del Monte Fit N’ Right at Forthright Events.