Seasports Festival aarangkada na

MANILA, Philippines - Patitingkarin ang pagbubukas sa dalawang araw na 2015 Manila Bay Summer Seasports Festival ngayon ng isang bancathon sa Baywalk ng Roxas Boulevard.

Ang mga magsusukatan ay sa kategorya ng stock at formula races elimination round.

Bukas ang tampok na kaganapan sa sports festival na inorganisa ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila dahil masisilayan dito ang mahuhusay na dragon boat teams.

Kasali rito ang mga kasapi ng national team bukod pa sa mga mahuhusay na rowers mula sa iba’t-ibang club teams para madetermina kung sino ang pinakamahusay sa taong ito.

Ang mga kikilalaning kampeon sa kompetisyong may ayuda pa ng Philippine Coast Guard at suporta ng Cobra Energy Drink, The Generics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, Cignal, My Juiz at Herco na distributor ng Briggs at Stratton sa bansa, ay gagawaran ng medalya matapos ang kompetisyon.

Show comments