Huling All-Star Game ni Alapag

Laro Ngayon (Puerto Princesa City Coliseum, Palawan)

5 p.m. North All-Stars vs South All-Stars

MANILA, Philippines – Inaasahang magiging emosyunal si veteran point guard Jimmy Alapag para sa kanyang huling pagla­laro sa Philippine Basketball  Association.

Maglalaro si Alapag para sa South Team na sa­sagupa sa North Squad ngayong alas-5 ng hapon sa 2015 PBA All-Star Game sa Puerto Princesa City Coliseum sa Palawan.

Makakatuwang ni Alapag sina Asi Taulava, ang kanyang co-MVP sa Cebu noong 2004, ex-MVP winners James Yap (2012), Jeff Chan (2013) at PJ Simon (2008).

Maglalaro ang 42-an­yos na si Taulava para sa kanyang pang-13th All-Star Game at pormal na ungusan si Alvin Patrimonio para sa pinakamaraming partisipasyon sa naturang mid-season spectacle.

Ang iba pang nasa South cast ay sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Mark Barroca, Cyrus Baguio, Reynel Hugnatan, Joe Devance at Stanley Pringle.

Babandera naman para sa North sina Marc Pingris, Jeff Chan, Arwind Santos at Gabe Norwood na mga dating All-Star MVPs.

“I’m happy to experien­ce this. I’ve never been to an All-Star Game as a player eh,” ani North coach Leo Austria ng San Miguel.

Show comments