SBC-B nasorpresa sa Sacred-Heart

MANILA, Philippines – Pinabagsak ng Sacred Heart-Ateneo de Cebu ang San Beda-B, 76-51, para magkaroon ng tsansang pumasok sa finals sa 8th Seaoil-NBTC National High School Championship noong Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Bago ito ay naunang nagpasikat ang Red Lions nang lusutan ang nagdedepensang kampeon Chiang Kai Shek College, 76-75, upang ilagay sa peligro ang paghahangad ng huli na mapanatiling suot ang titulo sa liga.

Nagtuos kagabi ang CKSK at Sacred Heart at kailangan manalo ng 16 puntos ang nagdedepensang kampeon para umabante sa finals ngayon sa Meralco Gym sa Pasig City.

Si Daniel Mayol ay mayroong 16 puntos at 13 dito ay ginawa niya sa unang 20 minutos para iwanan ng Sacred Heart ang San Beda B ng 13 puntos.

“That’s the dream of the players, na makatalo ng Manila-based school,” ani winning coach Francis Auquico.

Tinalo ng National University at San Beda A ang Lyceum-Cavite, 86-53 at 90-73, para itakda ang do-or-die game upang malaman kung sino sa kanila ang aabante sa championship round sa kanilang grupo.

Show comments