Sabi nga ni Michael Buffer, “Let’s get ready to rumble.”
Talagang let’s get ready to rumble dahil sa wakas ay matutuloy na rin ang labanang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.
Matapos ang mahabang hintayan, naikasa na ang laban para sa May 2 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Si Mayweather mismo ang nag-announce kahapon.
Pumirma na raw siya.
Marami ang nagsabing takot si Mayweather kay Pacquiao at isa na tayo rito.
Pero eto at pumayag siyang labanan si Pacquiao.
Perfect timing lang daw ang kanyang hinintay para pumayag.
Sa Martes ay 38th birthday ni Mayweather. Matanda na rin at siguro ay naisip niya na eto na nga ang panahon.
Parehong nag-issue ng statement si Pacquiao at Mayweather na happy daw sila para sa fans.
Siguradong happy din sila para sa sarili nila dahil ito na ang pinakamalaking boxing match sa buong kasaysayan ng sport.
Hindi liliit sa $120 million ang kikitain ni Mayweather sa laban at para kay Pacquiao naman ay mahigit kumulang $80 million.
Ibang klaseng laban ito.
History ng boxing ang pinag-uusapan natin dito.
Magaling si Mayweather. Eksperto sa depensa at malinis magpatama.
Magaling din si Pacquiao. Mabilis at malakas at walang humpay sumuntok.
Mapuruhan lang si Mayweather siguradong mayayanig ito.
Tiwala akong kaya ni Pacquiao si Mayweather.
Nakausap natin si Bob Arum sa telepono kahapon ng umaga at pinangako niya na tatalunin ni Pacquiao si Mayweather.
Ganyan din ang feeling ko.
I can feel it.