Smart triathlon team produktibo agad ang 2015

MANILA, Philippines - Impresibong kampanya ang ipinakita ng Smart triath­lon team kung saan pumangatlo ang presidenteng si Pompo Arroyo sa kanyang age division sa National Age Group Triathlon (NAGT) na idinaos sa Subic.

Anim pang miyembro ng koponan, binubuo ng mga kawani ng wireless services leader na Smart Communications, Inc. na tumapos sa triathlon event na nagsilbing qualifier para sa 2016 Philippine National Games.

Ang mga employee-finishers ay sina Melvin dela Cruz, Agnes Ganzon, Ben Silva, Danny Zapanta, Mark Sanchez, at Caroline Orcena.

Ang NAGT ay inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority. 

Ang Smart triathlon team ay isa sa 20 employee clubs sa Smart na naghahangad na makapag-promote ng aktibong pamumuhay sa kumpanya kaya isinasabuhay nila ang “Live More” manifesto.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Smart employee activities ay maaaring bisitahin ang @workatsmart accounts sa Instagram, Twitter at Facebook

Show comments