McCormack babandera sa 2015 Yellow Cab Challenge sa Subic

MANILA, Philippines - Babandera ang world champion na si Chris “Macca” McCormack sa mga bigating dayuhan na lalahok sa 2015 Yellow Cab Challenge Philippines sa Pebrero 21 sa Subic.

Ang iba pang kasali ay sina Challenge Atlantic City champion Fredrik Croneborg ng Sweden at Michael Murphy ng Australia na siyang pumangalawa sa kompetisyon noong nakaraang taon.

Ang dating cycling  Pro na si Domenico Passuelle ng Italy ay lalahok din at inaasahang palaban ito dahil ang cycling course ay katatampukan ng mga ahon.

Si Passuelle ay sariwa sa pagkapanalo sa Challenge Rimini at Challenge Sardinia.

Sina Brian Fleisch­mann, Rasmus Petraeus, Eric Watson at Christoph Schlagbauer ang mga first-timers na sasali sa kompetisyon.

“­Many of the world’s best have claimed that Challenge Philippines Subic-Bataan is the toug­hest half distance race in Asia! No doubt this old school course will put you to the test, but it is still achie­vable and breathtakingly beautiful,” wika ni Dave Voth, Leverage Sports Asia CEO at chairman ng Challenge Philippines.

Si Kelly Williamson na kampeon sa Ironman Texas noong nakaraang taon ang mangunguna sa kababaihan at hahamunin siya ni Radka Vodickova at Emma Pooley.

Ang tubong Czech Republic na si Vodickova ay isang London Olympian at nanalo sa Challenge Batemans  Bay at IM 70.3 sa St. Croix habang si Poo­ley ng Great Britain ay isang silver medalist sa time trial sa Guangzhou Olympics noong 2008.

Show comments