Morales pumadyak ng silver sa Asian Cycling Championship

MANILA, Philippines - Ibinigay ni Jan Paul Morales ang unang medalya sa Pilipinas sa 2015 Asian Cycling Championships nang pumangalawa siya sa men’s elite scratch event na ginagawa sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

May 12 siklista ang nagtagisan sa 15-kilometro race sa track at pinalad ang 29-anyos na siklista na puma­ngalawa kay Benham Khalili Khos Roshani ng Iran.

Ito ang unang medalya ng Pilipinas sa tuwing  kada dalawang taong kompetisyon matapos manalo ng dalawang pilak sina Paolo Manapul at Arnel Quirimit noong 2001 sa Kaohsiung, Taiwan.

Bukod sa silver, nakakuha rin si Morales ng pun­tos na kanyang magagamit sa hangaring makasali sa Rio Olympics sa 2016.

Sa huling tatlong laps saka umatake si Morales at nakatulong ang malamig na klima para hindi niya maramdaman ang pagod dala ng matitinding karibal.

Magbabalak si Morales ng kanyang ikalawang me­dalya sa paglahok sa point race. (AT)

Show comments