Laro Sabado (Smart Araneta Coliseum)
8 a.m.- UE vs UST (M)
10 a.m. UP vs Ateneo (M)
2 p.m. UE vs NU (W)
4 p.m. UP vs Adamson (W)
MANILA, Philippines – Tatlong laro na lamang ang kailangan ng nagdedepensang kampeon Ateneo Lady Eagles para umabante na sa 77th UAAP women’s volleyball finals.
May 21 kills at dalawang aces si Alyssa Valdez tungo sa 23 hits bukod sa pitong digs, habang sina Amy Ahomiro at Ella de Jesus ay may 13 at 10 puntos para gabayan ang Lady Eagles sa 25-23, 25-21, 25-23, straight sets panalo sa Lady Tamaraws.
Hindi nakapaglaro si Isabelle De Leon dahil sa injury sa daliri pero nagawa pa ring magdomina ang Ateneo sa attack department, 47-31, dahil ang lahat ng puntos ni De Jesus ay mula sa pag-atake.
Nakatulong din ang magandang serve game ni Ahomiro na nagpakawala ng limang aces at higit ito sa apat na pinakawalan ng FEU.
Ika-11 sunod na panalo ito ng Ateneo at kailangan na lamang na magwagi pa sa huling tatlong laro laban sa UST (Peb. 11), UE (Peb. 15) at La Salle (Peb. 22) para sa sweep.
Dahil dito ay nalaglag ang Lady Tamaraws sa pakikisalo sa ikaapat hanggang pitong puwesto.
Pinataob din ng La Salle Lady Archers ang UST Tigresses, 25-21,25-9, 25-18, para kunin ang ikalawa at huling twice-to-beat incentive sa Final Four.
Si Ara Galang ay may 17 hits, tampok ang 15 kills, habang si Cyd Demecillo ay may 12 hits upang umangat ang La Salle sa 10-1 karta.