MANILA, Philippines - Kumpletong dumating ang 13 foreign teams sa Balanga, Bataan kahapon dalawang araw bago ang 2015 Le Tour de Filipinas na magdiriwang ng ika-60 taon ng multi-stage road cycling sa bansa.
Makakasama ng mga foreigners ang dalawang local squads na Philippine National Men’s Team ng PhilCycling at continental team 7-Eleven Road Bike Philippines sa four-stage International Cycling Union Asia Tour race na inihahandog ng Air21 katuwang ang MVP Sports Foundation at Smart.
“The enthusiasm of the foreigners in racing on Philippine soil was very evident as the teams which arrived before lunch in Balanga hit the road immediately and shook off the rust from their travel,” sabi ni Donna Lina-Flavier, ang presidente ng race organizer Ube Media Inc.
Ang mga foreign teams na makikita sa karerang suportado ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon ay ang Team Novo Nordisk (USA), RTS Santic Racing Team (Taiwan), Attaque Team Gusto (Taiwan), Singha Infinite Cycling Team (Thailand), Navitas Satalyst Racing Team (Australia), CCN Cycling Team (Brunei), Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia), Terengganu Cycling Team (Malaysia), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan), Pishgaman Yzad Pro Cycling Team (Iran), Tabriz Petrochemical Team (Iran) at mga national teams ng Uzbekistan at Kazakhstan.
Pakakawalan bukas ang Stage One ng event na itinataguyod ng Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX bilang mga road partners sa Balanga sa distansyang 126 kilometro.