MCC-Pyter Chess sisimulan bukas

MANILA, Philippines - Nakatakdang isulong ang MCC-Pyter Kiddies Chess Tournament bukas sa Pyter Canteen sa Virra Mall, Sucat, Parañaque.

Ang one-day event ay bukas sa lahat ng batang lalaki at babae na ipinanganak noong 2000.

Ang tournament format ay 7-round Swiss System na may time control na 20 minuto para tapusin ang laro.

Kabuuang P10,000 premyo, medalya at chess magazines ang ibibigay para sa top ten winners.

Bukod sa medalya, ang magkakampeon ay  tatanggap ng top purse na P2,000, habang ang second, third at fourth placers ay magbubulsa ng P1,500; P1000 at P500, ayon sa pagkakasunod.

Ang mga magtatapos sa 5th hanggang 10th places ay bibigyan ng tig-P300 at ang mga 11th hanggang 20th pla­cers ay tatanggap ng chess magazines. .

Ang entry fee ay P250.

Para sa iba pang detalye ay maaaring tumawag sa 0922-822-6319 o sa 0935-370-8808 at bisitahin ang facebook fan page: “Milo Checkmate Chess Clinics and Sports Academy”.

Show comments