CHICAGO -- Sumalaksak si Derrick Rose bagama’t napakahigpit ng depensa ng San Antonio Spurs.
Nagbalik na ang pagiging astig ni Rose pati na ng Bulls.
Umiskor si Rose ng 22 points para pangunahan ang Bulls sa 104-81 paggiba sa Spurs.
Nauna nang naipatalo ng Chicago ang anim sa kanilang huling walong laro at ipinalasap sa defending champions ang kanilang pinakamasaklap na pagkatalo ngayong season.
Winakasan din ng Bulls ang four-game winning streak ng Spurs.
‘’It shows what we’re capable of doing,’’ sabi ni All-Star center Pau Gasol, humakot ng 12 points at 17 rebounds para sa Chicago.
Nagsalpak si Rose ng 9-of-16 fieldgoal shooting at naglaro lamang ng 45 segundo sa fourth quarter kung saan lumamang na ng malaki ang Bulls.
Naglista si Jimmy Butler ng 17, habang nagdagdag si Taj Gibson ng 15 points, 9 rebounds at 4 blocks kasunod ang 15 markers ni Aaron Brooks.
Sa Portland, nagsalpak si Evan Turner ng isang three-pointer sa natitirang 1.9 segundo para itakas ang Boston Celtics kontra sa Trail Blazers, 90-89.
Sa Milwaukee, humugot si Gordon Hayward ng 13 sa kanyang game-high na 24 points sa fourth quarter para ibigay sa Utah Jazz ang 101-99 panalo laban sa Bucks.