Spurs diretso sa ikaapat na panalo

DENVER -- Matapos ang magkakaibang resulta ng laro noong Disyembre ay naibabalik na ng San Antonio Spurs ang kanilang winning form sa pamamagitan ng pagbabalik sa line-up nina Kawhi Leonard at Tony Parker mula sa injury.

Umiskor si Parker ng 18 points, habang nagtala si Leonard ng 17 points at 15 rebounds para banderahan ang Spurs sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa bisa ng 109-99 paggupo sa Denver Nuggets.

Nagdagdag si Tim Duncan ng 16 points na kanyang ginawa sa second half para sa pang-limang sunod na dominasyon ng Spurs sa Nuggets.

Sa Miami, halos hindi pinatapak ng Heat sina Kevin Durant at Russell Westbrook sa foul line at pinanood nila ang dalawang star player ng Oklahoma City na magmintis ng kanilang mga tres para malimitahan.

Umiskor sina Durant at Westbrook ng tig-19 points para tulungan ang Thunder sa 94-86 panalo laban sa Heat.

 

Show comments