MANILA, Philippines – Bubuksan ng Ronda Pilipinas 2015, inihahandog ng LBC, para sa lahat ng mga Filipino bikers ang karerang nakatakda sa Pebrero 8-27 na magsisimula sa Butuan City at magtatapos sa Baguio.
Nasa kanilang pang-limang edisyon, ang nationwide bicycle road race ay magkakaroon ng mga Qualifying Rounds sa Mindanao, Visayas at Luzon.
Ang Mindanao qualifying round ay nakatakda sa Pebfrero 8-9 sa Butuan City, Cagayan de Oro, Tubod sa Lanao del Norte at Dipolog, habang ang Visayas qualifying leg sa sa Pebrero 11-12 sa Dumaguete, Sipalay at Bacolod.
Pakakawalan ang Luzon elimination sa Pebrero 15-16 sa Antipolo City at Tarlac.
Humigit-kumulang sa 100 riders ay kukunin mula sa naturang tatlong qualifying races para sa Championship round sa Luzon kung saan nila makakasama si 2014 Ronda Pilipinas champion Reimon Lapaza ng Butuan City bukod pa ang Asian Cycling Championship-bound national cycling team na pinamumunuan nina Mark Galedo at Ronald Oranza.
Isang nine-man composite European team na binubuo ng mga Danish cyclists ang makikipag-agawan din sa premyong P1 milyon na inilalatag ng LBC.