Kobe plano nang magretiro

MANILA, Philippines – Aminado si LA Lakers guard Kobe Bryant na nagbabalak na siyang magretiro matapos ang NBA season.

“I’d be lying if I said that it hasn’t crossed my mind,” wika ni Bryant sa LA Times. “Right now I doubt it…but anything’s possible.”

Ang patuloy na pananakit ng kanyang kasu-kasuan ang isa sa malaking dahilan kung bakit nagbabalak na rin siya na tumigil sa paglalaro.

“My body is hurting like crazy, around the clock, and if I don’t want to do this anymore, I won’t do it,” ani pa ng 36-anyos na si Bryant na iiwan ang $25 milyon sa kanyang pinirmahang kontrata kung magretiro sa pagtatapos ng season.

Show comments