‘Twice-to-beat’ sa quarterfinals hangad ng Gems laban sa Pirates

Laro Ngayon

The Arena, San Juan City

12 n.n. – Bread Storyvs Cebuana

2 p.m. – Café France vs Wangs Basketball

4 p.m. –Tanduay Light  vs AMA University

 

MANILA, Philippines - Matapos okupahan ang upuan sa quarterfinals, pagbabalakan ng Cebuana  Lhuillier Gems ang ilapit ang sarili sa mahalagang ‘twice-to-beat’ advantage sa pagharap sa Bread Story/LPU Pirates sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-12 ng tanghali magaganap ang tunggalian at mapapantayan ng Gems ang pa­hingang Jumbo Plastic Giants (6-4) sa ikaapat na puwesto kung mapapataob nila ang Pirates.

Kapag nangyari ito, kailangan na lang ng tropa ni coach David Zamar na pan­­tayan ang karta ng Giants sa pagpasok sa ka­­ni­lang huling asignatura pa­ra hawakan ang upuan at ang ‘twice-to-beat’ advan­tage sa susunod na round.

Pero katulad ng Gems, mahalaga rin para sa Pirates ang makukuhang pa­nalo para makaiwas sa ma­agang bakasyon.

Ang anim na mangu­ngunang koponan ay mag­papatuloy ng kampanya at ang Bread Story ang si­yang may hawak sa pang-anim na upuan sa 4-5 baraha.

Nakikipag-agawan sa nasabing puwesto ang Tanduay Light Rhum Masters na sasabak sa AMA University Titans sa ikatlo at huling laro sa alas-4.

May 4-6 karta ang Rhum Masters at dapat si­lang manalo para manati­ling palaban sa nasabing pu­westo dahil ito na ang ka­nilang huling laro, habang ang Pirates ay may isa pang laban.

Dinurog ng Gems ang Wangs Basketball Courier, 85-62, at nananalig si Zamar na mananatili ang mainit na paglalaro ng kanyang bataan para hindi masayang ang oportunidad na nasa kanilang kamay. (ATan)

 

Show comments