Mercado aprubado na sa Barako Bull

MANILA, Philippines - Inaprubahan kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang trade para sa pagdadala ng Globalport kay guard Sol Mercado sa Barako Bull bilang kapalit ni Denok Miranda.

Bukod kay Miranda, ibinigay din ng Energy ang ka­ni­lang 2016 second round pick sa Batang Pier.

Nauna nang ibinalik ng San Miguel ang 30-anyos na Fil-Am guard sa Globalport para muling mahugot si Alex Ca­bagnot.

Ang Barako Bull ang magiging pang-limang PBA team ni Mercado sa loob ng pitong seasons.

Una siyang naglaro para sa Rain or Shine bago nailipat sa Meralco, Globalport at San Miguel.

Makakasama ni Mercado sa backcourt ng Energy sina RR Garcia at Carlo Lastimosa. (RCadayona)

Show comments