MANILA, Philippines – Ipinakita ng US GM Hiraku Nakamura kung bakit siya ang ikalawang pinakamahusay sa blitz game sa chess sa mundo nang angkinin ang 21-5-11-5 panalo laban kay dating Filipino GM na ngayon ay naglalaro para sa US na si Wesley So.
Ito ang unang laro ni So sa blitz sa mahabang panahon at hindi naman siya tunay na kilala na mahusay sa ganitong laro base sa kanyang 2726 rating para malagay sa 35th puwesto.
May 2887 rating si Nakamura para pumangalawa kay world champion at blitz king Magnus Carsen (2948).
Ang panalo ay nagkahalaga ng $1,000.00 para kay Nakamura.
Ang hindi magandang ipinakita ni So ay tiyak na magtutulak sa No. 10 sa FIDE ranking sa classical chess para pagbutihan ang gagawing pagsali sa 77th Tata Steel Masters saWijk ann Zee sa The Netherlands.
Isang Category 20 ang nasabing torneo at makakasukatan ni So ang iba pang matitikas na GMs sa pangunguna ni Carlsen at ang women’s world champion na si Hou Yifan ng China simula sa Sabado.