Aces binawian uli, Painters tumabla

   Pinanood na lang ni Gabe Norwood ng Rain or Shine si Calvin Abueva ng Alaska. (JUN MENDOZA)  

MANILA, Philippines - Hindi Aguinaldo ang ibinigay ng Elasto Painters sa Aces kundi kabiguan sa Araw ng Pasko.

Bumangon ang Rain or Shine mula sa 11-point deficit sa third period para talunin ang Alaska, 98-91, sa Game Four para itabla ang kanilang semifinals series sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Niresbakan ng Elasto Painters ang Aces mula sa 78-94 kabiguan sa Game Three noong Lunes para tumabla sa 2-2 sa kanilang best-of-seven semifinals showdown.

“Merry Christmas sa lahat. It’s a good Christmas gift for ourselves,” bungad ni head coach Yeng Guiao. “We just stayed tough. They had most of the lead.”

Mula sa 43-38 abante sa halftime ay pinalaki ng Alaska ang kanilang kalamangan sa 11 puntos, 69-58, sa dulo ng third quarter.

Sa likod nina Jeff Chan, Gabe Norwood, Jonathan Uyloan at JR Quiñahan ay naagaw ng Rain or Shine ang unahan sa 86-82 sa 4:32 minuto ng fourth period.

Napatalsik naman sa laro si Aces’ forward Calvin Abueva sa huling 1:43 minuto kung saan angat ang Elasto Painters sa 92-89 matapos sikmuraan si Uyloan habang papatawid ng midcourt.

Pinatawan si Abueva ng Flagrant Foul 2 at ina­asahang ipapatawag nga­yong umaga ni PBA Commissioner Chito Salud sa kanyang opisina.

Tuluyan nang sinelyuhan nina Norwood at Paul Lee ang panalo ng Rain or Shine sa kanilang three-point shot at dalawang free throws, ayon sa pagka­kasunod.

Tumapos si Chan na may season-high na 25 points, tampok ang 5-of-10 shooting sa three-point line.

Rain or Shine  98 - Chan 25, Norwood 12, Belga 11, Tiu 10, Lee 8, Quiñahan 7, Almazan 7, Uyloan 5, Arana 5, Ibañes 4, Tang 2, Cruz 2, Teng 0.

Alaska 91 - Thoss 25, Abueva 14, Casio 10, Ma­nuel 9, Menk 8, Banchero 6, Baguio 6, Jazul 6, Hontiveros 3, Exciminiano 2, Dela Cruz 2, Eman

0, Dela Rosa 0. Quarterscores: 20-21; 38-41; 64-71. 98-91.

 

Show comments