MIAMI -- Inamin ni LeBron James na nasasabik siyang bumalik sa Miami para sa kanyang homecoming.
Ngunit hindi ito maikukunsiderang isang homecoming dahil hindi naman niya tunay na tahanan ang Miami na kanyang tinirhan sa apat na taong paglalaro para sa Heat.
Magbabalik si James para labanan ang Heat, ang koponang naglunsad sa kanya bilang isang superstar at maging isang two-time NBA champion superstar.
Kaya naman naghanda na siya pati ang Cleveland Cavaliers para sa inaasahang magiging emosyunal na Christmas visit.
“To say I haven’t thought about going back, I would be lying,’’ sabi ni James sa Cleveland noong Martes ng gabi matapos talunin ng Cavaliers ang Minnesota. “It’s going to be great to be back in that building around those unbelievable fans and the memories will definitely come back, being a part of the organization for four years.’’
Hindi maitatago na may ilang nagalit kay James nang umalis siya sa Miami para magbalik sa Cleveland.
Nananatili ang relasyon ni James sa ilang Heat players, at patuloy ang kanilang pagiging magkaibigan ni Dwyane Wade.
“He made the right decision. He went home,’’ wika ni Wade kay James.