Carter nagbida sa Grizzlies

Bumitin sa ere si Vince Carter ng Memphis para iwasan ang supalpal ni Festus Ezeli ng Golden State.

MEMPHIS – Naging ma­bisang sandata ng mga Grizzlies ang malalim ni­lang bench.

Ang lahat ng mga backups ay ginamit, tinapos ng Grizzlies ang 16-game winning streak ng Golden State Warriors mula sa 105-98 tagumpay.

Sa pagbibida ni Vince Carter, tumipa ang Grizzlies ng 20 sunod na puntos pa­ra simulan ang se­cond quarter.

Iniskor ni Carter ang 11 sa kanyang season-high na 16 points sa naturang atake ng Memphis.

Kumolekta si center Marc Gasol ng 24 points at naglista si Zach Randolph ng 17 points at 10 rebounds para sa pang-limang sunod na panalo ng Grizzlies.

Nagdagdag si Mike Conley ng 17 points, habang may 11 si reserve Jon Leuer para sa Memphis.

Naimintis ni Stephen Curry ang kanyang back-to-back 3-pointers sa huling 10 segundo.

Tumapos siya na may 19 points mula sa malam­yang 9-of-25 fieldgoal shooting sa panig ng Warriors.

Pinamunuan ni Klay Thompson ang Golden State sa kanyang 22 points, ha­bang nagdagdag naman si Marreese Speights ng 18 markers.

Sa Sacramento, huma­kot si guard Russell Westbrook ng 32 points at 7 assists, habang nagdagdag naman si Kevin Durant ng 26 points para tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 104-92 panalo laban sa Sacramento Kings.

Show comments