MANILA, Philippines – Maliban kay Manny Pacquiao, isa pang kalaban ang nakuha ni Floyd Mayweather, Jr.
Sinabi ni Mexican star Saul “Canelo” Alvarez na walang karapatan si Mayweather na angkinin ang Mayo 2 bilang petsa ng kanilang mega showdown ni Pacquiao sa susunod na taon.
Ang Mayo 2 o mas kilala bilang ‘Cinco De Mayo’ ay isang Mexican holiday na nagpapahalaga sa matapang na pagsagupa ng mga Mexican civilians laban sa French Imperial army.
“Those are the Mexican holidays, and they belong to Mexican fighters. Everybody knows those are the Mexican holidays, and the traditional dates for the Mexican fighters,” wika ni Alvarez.
Kinatigan naman si Alvarez ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.
“The only Mexican in the group is Canelo Alvarez, who is a big attraction among the Mexican people. And to poach on that date, which is a Mexican holiday by non-Mexicans, shows a terrible disrespect for the Mexican people, both those living in Mexico and those living in the United States,” sabi ni Arum.
Ang sinuman sa 37-anyos na si Mayweather at 35-anyos na si Pacquiao ay walang dugong Mexican.
Ayon kay Alvarez, ang ‘Cinco De Mayo’ ay para lamang sa mga Mexicans na kagaya niya.
Tinalo ni Mayweather si Alvarez sa kanilang laban noong Setyembre ng 2013.
Kamakailan ay inihayag ni Mayweather na handa na siyang harapin si Pacquiao sa Mayo 2 ng 2015.
Sa huling laban ni Pacquiao (57-5-2, 38 KOs) noong Nobyembre 23 ay anim na beses niyang pinabagsak si American challenger Chris Algieri patungo sa kanyang unanimous decision win.
Muli namang tinalo ni Mayweather (47-0, 26 KOs) si Marcos Maidana sa kanilang rematch.
Sinabi ni Mayweather na sa kanyang pagpayag na labanan si Pacquiao ay hindi na niya aalukin ang Filipino world eight-division ng premyong $40 milyon.
Ayon naman sa Sarangani Congressman, hindi niya pinapahalagahan ang premyong kanyang makukuha mula sa naturang laban kay Mayweather.