38th MILO Marathon National Finals

MANILA, Philippines - Pakakawalan ngayong umaga ang National Finals ng 38th MILO Marathon sa SM Mall  of Asia Grounds sa Pasay City matapos ipagpaliban noong Disyembre 7 dahil sa bagyong ‘Ruby’.

Maglalaban-laban ang mga nanalo sa qualifying legs sa Baguio City, Dagupan, Tarlac, Angeles City, Naga (Agosto 24), Lucena, Puerto Princesa, Lipa, Iloilo, Bacolod, Tagbilaran, Cebu, Butuan, Cagayan De Oro, GenSan, Davao at Manila.

Kabuuang premyong P300,000 at tropeo ang pag-aagawan sa 42-kilometer race bukod pa ang all expense paid trip sa 2015 Tokyo Marathon sa Japan para sa tatanghaling Marathon King at Queen.

Idedepensa nina Eduardo Buenavista, ang five-time MILO Marathon King, at Mary Joy Tabal ang kanilang mga korona sa men’s at women’s division.

Inaasahang magbibigay ng magandang laban kina Buenavista at Tabal sina elite runners Eric Panique, Christabel Martes, Anthony Nerza at Philip Dueñas.

Show comments