Altas asam ang ika-53 vs Blazers

MANILA, Philippines – Ika-53 sunod na panalo ang nakataya sa Perpetual Help Altas sa pagharap laban sa St. Benilde Bla­zers sa 90th NCAA men’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Galing ang Altas mula sa 27-25, 25-14, 27-25, panalo sa Lyceum Pirates para sa ikalimang sunod na panalo ngayong taon.

Mula pa noong 2007 nagsimula ang winning streak ng koponan at kung maipagpatuloy hanggang matapos ang kompetisyon ay masusungkit din ng Altas ang ikaanim na sunod na kampeonato sa liga.

Pilit din iaangat ng nagdedepensang women’s champion Lady Altas ang kasalukuyang karta na 4-1 kontra sa Lady Blazers (4-0) habang ang Junior Altas ay magpupumiglas para makaahon mula sa pagkatalo sa Junior Pirates (16-25, 26-28, 25-14, 22-25) laban sa La Salle Greenhills Greenies.

Show comments