MANILA, Philippines – Sa isang panayam ay sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na hindi idaraos sa United States ang susunod na laban ni Manny Pacquiao, maging ito man ay kontra kay Floyd Mayweather, Jr.
Isang Dubai boxing promoter ang umaasang sa United Arab Emirates mangyayari ang muling pag-akyat ni Pacquiao sa boxing ring sa susunod na taon.
“We are confident of hosting a fight featuring Pacquiao with or without Mayweather,” sabi ni Prince Amir Shafypour, ang promoter at managing director ng Golden Cage Promotions and Events, sa panayam ng Emirates 24|7.
Sa The Venetian sa Macau, China nangyari ang pambubugbog ni Pacquiao kay American challenger Chris Algieri noong Linggo.
Ito ang ikalawang pagkakataon na idinaos ang laban ng Filipino world eight-division sa Macau matapos dominahin si Brandon ‘Bam Bam’ Rios noong Nobyembre ng 2013.
Sinabi ni Prince Amir na tiyak na tatangkilikin ang laban ni Pacquiao sa Dubai kung mangyayari ito.
“It would be a sell out and fans in this region deserve to see Pacquiao fight before he hangs up his gloves,” dagdag pa ng promoter na siyang founder ng Global Fighting Championship series.