MANILA, Philippines – Talk ‘N Text ang Barako Bull sa umpisa pa lamang ng kanilang laban para makisalo sa pang-apat na posisyon.
Umiskor si guard Jayson Castro ng 22 sa kanyang 26 points sa arangkada ng Tropang Texters sa first half para gibain ang Energy mula sa league-conference high na 122-106 win sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.
Sa ikalawang laro, sinikwat ng nagdedepensang Purefoods ang kanilang pangatlong sunod na panalo nang gibain ang Meralco, 77-74.
Bumangon ang Talk ‘N Text sa nauna nilang 97-105 kabiguan sa Globalport noong nakaarang Martes kasabay ng pagpigil sa two-game winning streak ng Barako Bull.
Nagsalpak ang koponan ni coach Jong Uichico ng kabuuang 18 triples na isang league conference high.
Kaagad na itinala ng Tropang Texters ang 20-point lead, 40-20, sa opening period bago iposte ang malaking 31-point advantage, 54-23, laban sa Energy sa second quarter.
Matapos kunin ang 97-79 abante sa pagsasara ng third period ay hindi na nilingon ng Talk ‘N Text ang Barako Bull.
Nagdagdag ng 14 points si Jimmy Alapag para sa Tropang Texters kasunod ang tig-13 nina Larry Fonacier at Ranidel De Ocampo at 10 ni Aaron Aban.
Binanderahan naman ni Paolo Hubalde ang Energy sa kanyang 19 markers, habang nagdagdag ng tig-16 sina JC Intal at Chico Lanete kasunod ang 12 ni Denok Miranda at 11 ni Mick Pennisi.
Talk ‘N Text 122 - Castro 26, Alapag 14, Fonacier 13, De Ocampo 13, Aban 10, Rosser 9, Washington 8, Reyes Rob 7, Reyes Ryan 7, Alas 7, Carey 6, Seigle 2, Aguilar 0, Espiritu 0.
Barako Bull 106 - Hubalde 19, Intal 16, Lanete 16, Miranda 12, Pennisi 11, Marcelo 9, Lastimosa 7, Pascual 7, Wilson 7, Garcia 2, Salvador 0, Salva 0, Paredes 0.
Quarterscores: 40-20; 73-48; 97-79; 122-106.
Purefoods 77 - Simon 18, Barroca 16, Taha 14, Yap 11, Devance 7, Pingris 4, Maliksi 4, Mallari 3, Melton 0.
Meralco 74 - David 20, Dillinger 12, Hodge 9, Macapagal 9, Caram 8, Hugnatan 4, Atkins 3, Cortez 3, Buenafe 2, Sena 2, Ferriols 2.
Quarterscores: 18-16; 40-33; 52-59; 77-74.