Petecio tumiyak ng tanso

JEJU ISLAND, South Korea – Nakatiyak na si Nesthy Petecio ng bronze medal sa idinadaos na AIBA Women’s World Championships nang talu­nin si Lu Qiong ng China sa quarterfinals ng fea­therweight division noong Biyernes sa Halla Gymnasium sa Jeju Island, South Korea.

Isinantabi ng tubong Davao del Sur ang height advantage ng 21-anyos na si Qiong nang na­ging epektibo ang kanyang mga hooks at uppercuts para umani ng iisang 40-36 iskor mula sa hurado galing ng England, Romania at Ukraine.

“Nesthy is in superb condition and grimly determined yet has kept humo­rous disposition outside the ring. We are optimistic about her chances but Nesthy herself is not leaving anything to chance,” wika ni team manager Karina Picson.

Sunod na kalaban ni Petecio si Tiara Brown ng USA na nalusutan si Chen Wen-ling ng Chinese Taipei.

Sakaling palarin pa, ang makakalaban ni Petecio sa gold medal ay ang mana­nalo sa pagitan nina Alessia Mesiano ng Italy at Zinaida Dobrynina ng Russia.

Sina Roel Velasco at Violito Payla ang mga coaches na dumidiskarte sa koponan na kinabibilanganan din nina Josie Gabuco at Iris Magno na parehong nasibak na.

Show comments