Pacquiao pasok sa timbang, Algieri overweight

Walang naging problema sa timbang si Manny Pacquiao, habang kinakailangan pang magpawis ni Chris Algieri upang pumasok sa catch weight na 144 pounds. Philstar.com/AJ Bolando

MACAU – Sobra sa timbang ang undefeated American boxer na si Chris Algieri matapos sumalang sa weigh in ngayong Sabado sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel.

Tumimbang si Algieri ng 144.2 pounds, sobra sa catch weight limit na 144 pounds para sa welterweight match nila ni Manny Pacquiao na gagawin bukas.

Samantala, walang naging problema ang eight-division champion na tumipa ng 143.8 pounds.

Mayroong dalawang oras si Algieri upang magpawis bago timabangin muli para pumasok sa weight limit.

Show comments