MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, itinakda nina defending champion Johnny Arcilla at No. 1 seed Patrick John Tierro ang kanilang banggaan para sa korona sa men’s singles sa 33rd Philippine Columbian Association (PCA) Open na inihahandog ng Cebuana Lhuillier at Metro Global Holdings sa PCA indoor courts sa Paco, Manila.
Ito ay matapos talunin nina Arcilla at Tierro ang kanilang mga kalaban sa semifinals.
Giniba ng 34-anyos na si Arcilla si fifth seed Rolando Ruel, 6-2, 6-0, habang pinayukod ng 29-anyos na si Tierro si third seed at 2013 runner-up na si Marc Anthony Reyes, 5-7, 6-4, 6-4, para maitakda ang kanilang title showdown sa torneong suportado ng Dunlop, Fujidenzo/Whirlpool, Babolat, Hon. Emmanuel “Manny” Pacquiao, Head, Accel, Malate Bayview Mansion, Coca-Cola Bottlers Phils. Inc., Philippine Prudential Life Insurance Company Inc. at Seno Hardware.
Hangad ni Arcilla ang kanyang pang-siyam na PCA Open title, habang ang kanyang unang korona ang asam ni Tierro na apat na beses nang naging runner-up.
Ang men’s singles finals ay lalaruin bukas sa ganap na ala-una ng hapon.
Pakakawalan ngayong umaga ang semifinals sa ladies’ singles sa torneong suportado rin ng United Auctioneers Inc. Foton, Philippine Sports Commission, TLH Sports & Wellness Center/Solinco, Avida Land Corporation, Stronghold Insurance, Ryobi MHI, GMA 7 at TV 5.