Raptors at Pacers nanalo rin laban sa Jazz at Bulls James, Cavs nagtala ng record

CLEVELAND – Sa isang ga­bi matapos ma­ngailangan ang Cleveland ng malaking panalo ay ka­agad na nagmadali si LeBron James.

At ito ay naging isang record-setting na panalo.

Umiskor si James ng 32 points at isinalpak ng Ca­valiers ang 11 three-point shots, kasama rito ang siyam sa first quarter, pa­ra ilampaso ang Atlanta Hawks 127-94.

Ang Cavaliers ang na­ging unang koponan sa NBA history na naglista ng 9-for-9 shooting sa 3-point area sa isang yugto, ayon sa Elias Sports Bureau.

Kumonekta si James, tu­mipa ng season-high 41 points laban sa Boston Celtics noong Biyernes, ng tatlong tres sa first period at kaagad umiskor ng 11 points sa unang 3:34 mi­nuto.

“Coming off a back-to-back I didn’t want us to have a slow start,” wika ni James. “I feel like the guys feed off my energy and I wanted to go out and be aggressive and see where it takes us. It got us to a huge lead.”

Tumipa ang Cavaliers, nasa isang four-game winning streak ngayon, ng 41 points sa first quarter.

Nagtala si James, ipinahinga sa fourth quarter, ng 13-of-20 fieldgoal shooting.

Nagdagdag si Kyrie Ir­ving ng 20 points.

Itinala ng Cavaliers ang team record sa pagpoposte ng 19-for-31 clip sa 3-point range.

Ang kanilang 19 tres ay isa nang league season high.

Sa Toronto, umiskor si DeMar DeRozan scored 27 points, habang naglista si center Jonas Valanciu­nas ng mga season highs na 17 points at 14 rebounds para tulungan ang Raptors sa 111-93 panalo laban sa Utah Jazz.

Ito ang ikaanim na pa­na­lo ng Toronto sa huling pi­tong laro.

Nagtala si DeRozan ng 10-of-16 fieldgoal attempts matapos ang malamyang outside shooting sa naka­raang dalawang laro ng Rap­tors.

Tumipa si DeRozan ng mahinang 4-for-15 clip sa kanilang panalo sa Orlando Magic at nagposte ng 3-for-17 kontra sa Chicago Bulls.

‘’I just missed last game, honestly,’’ sabi ni DeRozan.

Umiskor si Kyle Lowry ng 19 points ka­su­nod ang 16 ni Patrick Pat­terson at 13 ni Lou Williams.

Sa Chicago, kumamada sina A.J. Price, Luis Scola at Solomon Hill ng tig-21 points para tulu­ngan ang Pacers sa 99-90 paggupo sa Bulls.

Nagdagdag naman si Chris Copeland ng 13 points para sa Pa­cers, na­ipatalo ang pito sa kanilang huling siyam na laro at nagmula sa 87-108 kabiguan sa Den­ver Nuggets noong Bi­yernes.

Show comments