Fareñas bigo kay Pedraza sa eliminator

MANILA, Philippines – Muling gumuho ang pa­ngarap ni Michael Fareñas na lumaban para sa world title matapos siyang mata­lo kay Jose Pedraza ng Puerto Rico sa isang IBF lightweight title eliminator.

Dinomina ni Pedraza (19-0-0, 12 KOs) si Fareñas sa loob ng 12 rounds para sa kanyang unanimous de­cision win sa Coliseo Pedrin Zorilla sa Hato Rey, Puerto Rico.

Napadugo ni Pedraza ang dalawang mata ni Fa­re­­ñas, nalasap ang kanyang pang-limang ka­biguan  para ikabit sa kanyang 39 wins at 4 draws.

Show comments