NEW YORK – Masyadong nasa sulok at nababantayan si Trey Burke kaya natiyak ni Carmelo Anthony na magpapatuloy ang laro sa overtime period.
“There’s no way that’s going in,” sabi ni Anthony. “Let’s just get the rebound and go to overtime.”
Ngunit nagawa na ito ni Burke at siya ang mas nakakaalam.
“It looked good as soon as it left my hand,” wika ni Burke matapos isalpak ang krusyal na jumper sa pagtunog ng final buzzer para ibigay sa Utah Jazz ang 102-100 panalo laban sa New York Knicks, nakahugot ng NBA season-high na 46 points kay Anthony.
Ang three-point shot ni Anthony sa natitirang 2.3 segundo ang nagtabla sa laro sa 100-100.
Subalit natanggap ni Burke ang bola malapit sa bench ng Jazz at tinirahan si J.R. Smith para sa kanyang winning jumper.
Ito ang pang-pitong sunod na kamalasan ng Knicks .
Umiskor si Gordon Hayward ng season-high na 33 points para sa Utah, habang nagdagdag si Derrick Favors ng 21 points at 12 rebounds.
Sa Boston, nagtuwang sina James at Kyrie Irving para tulungan ang Cleveland Cavaliers sa 122-121 panalo laban sa Celtics.
Humugot si James ng 10 sa kanyang season-high 41 points sa fourth, habang gumawa si Irving ng 15 sa kanyang 27 markers sa final quarter para sa pangatlong sunod na panalo ng Cleveland.
Sa Los Angeles, nagtala si Tim Duncan ng 13 points at tumipa si Cory Joseph ng 14 points para sa 93-80 panalo ng San Antonio Spurs sa Lakers.