Howard humataw, Rockets pinigil ang Spurs

HOUSTON -- Sinaman­tala ni Dwight Howard ang kahinaan ng nagdedepensang San Antonio Spurs sa shaded lane para banderahan ang Houston Rockets sa 98-81 panalo.

Kumolekta si Howard ng 32 points at 16 rebounds para sa 6-0 baraha ng Rockets kumpara sa 2-2 ng Spurs.

Hindi naglaro para sa San Antonio sina Tim Duncan at  Tiago Splitter.

Hindi rin nakalaro si Manu Ginobili matapos pagbidahan ang San Antonio sa 94-92 panalo sa Atlanta Hawks.

Kumamada si James Harden ng 20 points, 6 rebounds at 6 assists sa pang-anim na sunod na panalo ng Houston.

Pinamunuan naman ni Cory Joseph ang Spurs sa kanyang 18 points mula sa bench kasunod ang 12 ni Aaron Baynes na nagdag­dag din ng 11 rebounds.

Kaagad na naglista si Howard ng double-double na 20 points at 12 rebounds sa halftime matapos do­mina­hin sina Matt  Bonner, Jeff  Ayers, at Baynes.

Sa Portland, Oregon, nilimitahan ng Portland ang Dallas sa 8 points sa kabuuan ng fourth quarter para kunin ang 101-74 pa­nalo.

Tumapos si LaMarcus Aldridge ng 20 puntos at nagdagdag naman si Damian Lillard ng 18 puntos para sa Trail Blazers.

Sa Indianapolis, sa ka­gustuhang mapalakas ang kanilang kampanya sa  NBA, muling hinugot ng Pacers ang guard na si A.J. Price.

Nitong Huwebes (Biyer­nes Manila time) ay pinapirma ng Indiana ang free agent ng kontrata.

Si Price ay naglaro ng kanyang unang tatlong NBA season sa Pacers.

Show comments