Algieri ‘di mananalo kay Pacquiao - Somodio

   Sinasanay ni Freddie Roach ang bilis ng mga kamao ni Manny Pacquiao sa mitts sa gym sa General Santos City. (Quinito Henson)

MANILA, Philippines - Bagamat abala sa pangangasiwa sa Wild Card Gym sa Los Angeles, inaanalisa naman ni Marvin Somodio, ang Filipino training assistant ni Freddie Roach, ang mga reports mula sa kampo nina WBO welterweight champion Manny Pacquiao at unbeaten challenger Chris Algieri para sa kanilang Nov. 23 showdown sa Macau.

Hindi magtutungo si Somodio sa General Santos City kung saan nagsasanay si Pacquiao kasama si Roach o maging sa Macau para sa laban kay Algieri.

Ito ay dahil sa paghahanda niya kay Ruslan Provodnikov para sa pakikipagharap nito kay WBC lightweight champion Jose Luis Castillo sa Moscow sa Nov. 28.

Ginagabayan din niya ang mga fighters na iniwan ni Roach sa Wild Card Gym.

Ang dalawang Filipino na nagsasanay sa Wild Card ay sina Michael Farenas, lalabanan si Jose Pedraza sa IBF superfeatherweight title eliminator sa Puerto Rico sa Nov. 14, at si dating WBC/IBF lightflyweight at WBA/WBO flyweight titlist Brian Viloria na muling lalaban sa Glendale sa Dec. 6.

“I won’t be able to go to GenSan or Macau because I’m getting Ruslan ready for his fight in Moscow and I’m also working with Frankie Gomez,” wika ng 31-anyos na si Somodio sa pamamagitan ng text.

Ang 22-anyos na si Gomez ay isang light welterweight contender na may 18-0 record, kasama ang 13 KOs.

Kamakailan ay sinabi ni Roach na si Gomez ang ma­giging susunod na world champion sa kanyang star-studded stable.

Ukol sa darating na laban ni Pacquiao, sinabi ni So­modio na hindi mananalo si Algieri.

“I think it will be an easy fight for Manny as long as he’s in good condition,” ani Somodio.

“Algieri has no power and if it goes the distance, no­body can outscore Manny when it comes to volume punching,” dagdag pa ni Somodio.

Show comments