MANILA, Philippines - Ipasusuri ni Fil-Spanish striker Javier Patino ang nananakit na likod dahilan upang hindi siya makakasama ng Azkals sa kampanya sa AFF Suzuki Cup.
“Javier Patino will undergo an operation for his back injury and will miss the friendliest as well as the Suzuki Cup,” nakaposteng pahayag sa opisyal na Facebook page ng Azkals.
Si Patino ay naglalaro sa Buriram United at natapos na ang kampanya ng koponan sa Thai Premier League.
Na-injured si Patino sa huling bahagi ng TLP na natapos noong Linggo.
Maganda ang ipinakita ni Patino sa liga dahil 21 goals ang kanyang ginawa at ito ay ikalawang pinakamataas matapos ang 26 ni Brazilian booter Heberty ng Ratchaburi.
Noon pang Marso huling naglaro si Patino sa Azkals nang harapin ang Azerbaijan sa Dubai. Sinamang-palad na natalo ang Pilipinas sa 0-1 iskor.
Samantala, aalis bukas ang Pambansang koponan patungong Thailand para sa friendly game sa His Majesty the King’s 80th Birthday Anniversary, 5th December 2007 Stadium.
Nais ng Azkals na wakasan ang 12-game losing streak sa Thais na nagsimula noon pang 1972.