Hobe-JVS umiskor sa Supremo sa DELeague

Mga Laro sa Martes

(Marikina

Sports Center)

7 p.m.  Uratex Foam

vs Supremo Lex Builders-OLFU

8:30 p.m. FEU-NRMF

vs Sea Lions

 

MANILA, Philippines - Giniba ng nagdedepensang Hobe-JVS ang Supremo Lex Builders-OLFU, 87-79, para mapanatili ang liderato sa Group A ng 4th DELeague Invitational  Basketball Tournament  sa Ma­rikina Sports Center, Ma­rikina City noong Huwe­bes ng gabi.

Matapos ang jumper ni Adrian Alban na nagtabla sa Supremo sa 79-79 sa 3:49 minuto sa laro ay hi­nigpitan ng Hobe-JVC ang depensa para hindi ma­kaiskor ang koponang bi­nubuo ng Our Lady of Fatima University varsity team.

Si Teng Reyes ay umiskor ng 13 points at si Mike Warnest ay nagtala ng 12 markers, 5 rebounds at 3 shot blocks para sa Hobe na may 2-0 kartada.

Ang  Supremo Lex Buil­ders-OLFU ay pinangunahan ni Paul Pineda na may 15 points kasunod ang 11 ni Gong Flores.

Sa ikalawang laro ng ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng PCA Ma­rivalley, St. Anthony Hos­pital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Lu­yong Restaurant Con­cep­cion, Mckie’s Equipment Sales and Rental at Tu­tor 911 ay tinambakan ng Siargao Legends ang MBL Selection, 111-63.

Umiskor ng 16 points si  CJ Perez, habang may 15 markers at 6 rebounds ang import ng University of the East Red Warriors na si Charles Mammie para sa Siar­gao Legends na may 2-0 record.

Kapwa naman umiskor ng 11 points sina Mike Ayo­nayan at Francis Sison pa­ra sa MBL Selection.

Magbabalik ang liga sa Nobyembre 4 kung saan mag­tatapat ang  Uratex Foam at Supremo Lex Buil­ders-OLFU sa unang la­ro at ang  FEU-NRMF kon­tra Sealions sa ikalawang laban.

Para sa resulta ng mga laro ay maaaring bisitahin ang www.sports29.com o ang facebook page ng DELeague.

Ang ticket ay P10.

Show comments