Sealions naka-2 na sa DELeague

Laro Ngayon

(Marikina Sport Center)

7pm  Hobe-JVS vs Supremo Lex Builders-OLFU

8:30pm MBL vs Siargao

 

MANILA, Philippines - Nagpakawala ng 27 puntos si dating PBA player Egay Billones para pa­ngunahan ang Sealions sa 94-75 panalo sa MBL Selection noong Martes ng gabi sa Marikina Sports Center sa Marikina City.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Sealions para pangunahan ang Group B sa ligang inorga­nisa ni Marikina City Mayor Del de Guzman.

Naghatid pa ng 13 puntos si Ron Zagala habang ang 6’4 na si Eric Rodriquez ay may 10 puntos at 11 boards para sa nanalong koponan.

Ang MBL Selection ay humugot ng 19 puntos kay  Alfren Gayosa at nag-ambag din ng 10 puntos at 12 rebounds si Edward Olotu.

Sa ikalawang laro ng ligang sinusuportahan din ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, Tutor 911 at Toyota Motors Marikina ay dinaig ng Team Mercenary ang Cars Unlimited, 65-51.

Para sa resulta ng mga laro maaaring bisitahin ang www.sports29.com o ang facebook page ng DELeague. Mabibili ang ticket sa halaga sa P10 lamang.

Show comments