MANILA, Philippines - Nakabalik sa kanyang pag-iisip si Serena Williams matapos wasakin ang kanyang raketa para talunin si Caroline Wozniacki, 2-6, 6-3, 7-6 (6), at makapasok sa title match ng WTA Finals sa Singapore.
Lalabanan ng world number one si Simona Halep sa Finals matapos igupo si Agnieszka Radwanska, 6-2 6-2, ng Poland sa ikalawang semifinal match.
Tinalo na ni Halep ng Romania si Williams sa round-robin stages ng torneo.
Matalik na magkaibigan sa labas ng court, naging maigting ang labanan nina Williams at Wozniacki sa loob ng court.
Matapos maisuko ang first set at wasakin ang kanyang raketa, bumangon ang American sa second set patungo sa paggupo kay Wozniacki, natalo kay Williams sa nakaraang U.S. Open finals.
“Being so close and still losing, it really sucks,” sabi ni Wozniacki.