URCC 25: Takeover mapapanood sa GMA-7

MANILA, Philippines - Papagitna sa Linggo ang mga aksyon sa Universal Reality Combat Championship (URCC) mixed martial arts title fight sa Sunday Night Box Office (SNBO) ng GMA-7.

Tatayong host ng event sina GMA Sports correspondent Mark Zambrano at Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Sa pangunguna ng “Father of Philippine Martial Arts” na si Alvin Aguilar noong 2002, ang URCC 25: Takeover ang kauna-unahan at pinakamatagal na professional mixed martial arts tournament sa Pilipinas at maging sa South Asia.

Pag-aagawan nina Andrew Benibe at Onyok Transmonte ang bakanteng URCC Bantamweight title.

Determinado si Transmonte na muling talunin si Benibe

Buo naman ang kumpiyansa ni Benibe na siya ang mag-uuwi ng titulo sa pagkakataong ito.

Tampok din ang laban nina Caloy Baduria at Mark Palomar at ang banatan nina Chris Hoffmann at Nickson Kola para sa light heavyweight crown at para sa lightweight title, ayon sa pagkakasunod.

Abangan ang lahat ng ito sa URCC 25: Takeover Sports Special ngayong Linggo, September 26, sa SNBO pagkatapos ng Bet ng Bayan.

Ang GMA-7 ang official free TV partner ng URCC 25: Takeover.

Show comments