Miles ibinandera ang Pacers sa panalo

CHARLOTTE, N.C. -- Nagposte si C.J. Miles ng 23 points para igiya ang Indiana Pacers sa 88-79 panalo laban sa Charlotte Hornets sa kanilang preseason finale.

Tumipa si Miles ng anim sa una niyang pitong tirada, habang humakot si Luis Scola ng 15 points at 12 rebounds at nagdagdag si David Sloan ng 11 points at assists para sa Pacers.

Sa Auburn Hills, Michigan, umiskor si Kyle Singler ng 19 points at nag-ambag si Josh Smith ng 17 points at 10 rebounds para ibigay sa Detroit Pistons ang 109-103 panalo kontra sa Philadelphia 76ers.

Hindi nagamit ng Detroit (5-2) ang kanilang tatlong rotation members na sina Kentavious Caldwell-Pope, Brandon Jennings at Jodie Meeks, habang pinaglaro ng Sixers (2-6) ang rag-tag roster sa kanilang mga hu­ling pre­season game.

Sa Bossier City, isinalpak ni undrafted rookie Patric Young ang isang follow-up slam sa huling 2.1 segundo para itakas ang 88-85 panalo ng New Orleans Pelicans laban sa Dallas Mavericks.

Show comments