Laro Ngayon (Marikina Sports Center)
4 p.m. Opening Ceremony
5 p.m. Kawasaki-Marikina vs Supremo Builders-Our Lady of Fatima University
7 p.m. Hobe Bihon vs Sta. Lucia Land
MANILA, Philippines - Apat na laro ang magbibigay-sigla sa pagbubukas ng ikaapat na season ng DELeague basketball tournament ngayon sa Marikina Sports Center.
Umabot sa 12 koponan ang sumali sa torneo na itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at katatampukan din ng mga dating PBA players at collegiate stars ng UAAP at NCAA.
“Sa tatlong taon ng DELeague ay marami tayong nasaksihang magagandang laro. Ngayong nasa ikaapat na taon na ang liga, inaasahang mas magagandang laban pa ang ating masasaksihan,” ani Mayor Del De Guzman.
Ang season 4 ay lalahukan ng 12 teams na kinabibilangan ng two-time defending champion Hobe Bihon, ang kauna-unahang kampeon ng liga na Sta. Lucia Land; Siargao Legends, FEU-NMRF, Kawasaki-Marikina, Uratex Foam, MBL Selection, Philippine National Police, Cars Unlimited, Sealions, Team Mercenary, at Supremo Builders-Our Lady of Fatima University.
Sa opening ceremony sa alas-4 ng hapon ay magkakaroon ng patimpalak para sa Best Muse na ang mananalo ay magkakamit ng premyong P3,000 mula sa Luyong Restaurant Concepcion.
Sa unang laro ay maglalaban ang Kawasaki-Marikina at Supremo Builders-Our Lady of Fatima University at sa ikalawang laro ay magtatapat ang Hobe Bihon at Sta. Lucia Land.