Philippine Superliga Grand Prix hahataw ngayon 4 teams gustong makauna

Natalia Korovkova ng Generika, Alaina Bergsma ng Petron at Sarah Ammerman ng Cignal

MANILA, Philippines - Hahataw ngayon ang pinakahihintay na 2014 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na inihahandog ng Asics sa Smart Araneta Coliseum.

Lalabanan ng 2013 run­ner-up RC Cola-Air Force ang Cignal sa ganap na alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Petron at Generika sa alas-4 sa women’s division ng torneong itinataguyod ng SportsCore katuwang ang Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Jinling Sports at LGR bilang technical partners.

Bago ito ay ilalahad muna ang makulay na opening ceremonies sa pamumuno nina PSL president Ramon “Tats” Suzara at PSL chairman Philip Ella Juico kasama sina International Volleyball Federation (FIVB) Referees Commission chairman Ahmed Mohamed Hanafi Hassan at Asics Asia-Pacific marketing manager Kenji Oh na siyang gagawa ng opening serve.

Ipaparada ng Petron sina overseas players Alaina Bergsma ng United States at Erica Adachi ng Brazil.

Inaasahang pupukaw ng atensyon ng mga fans kagaya ni Brazilian beauty Leila Barros si Bersgma, ang 2012 Miss Oregon na kinilalang Miss Photogenic noong 2012 Miss USA beauty pageant.

Sa kanyang unang inter­national assignment ay iginiya ni Bergsma ang University of Oregon sa NCAA Division I at naging team captain ng US wo­men’s team sa mga major international competitions.

Makakatulong nina Bergsma at Adachi sina 6-foot-3 spiker Dindin Santiago, Carmina Aganon, Mayette Zapanta, Mary Grace Masangkay, Gretchen Ho at ang nagbabalik na si Fille Caing­let-Cayetano.

Itatapat naman ng Generika sina Russians import Natalia Korovkova at Japanese setter Miyuu Shinohara katuwang ang mga pambato ng De La Salle University.

Makakahugot ng pro­duksyon ang Life Sa­vers kina Ste­phanie Mercado, Abby Maraño, Michelle Laborte at Cha Cruz kasama si Michelle Gumabao.

Sa unang laro, mag-uunahan para sa unang panalo ang RC Cola-Air Force at Cignal.

Ibabandera ng Rai­­ders sina ve­teran international campaigners Bonita Wise at Emily Brown katuwang sina Joy Cases, Judy Caballejo, Maika Ortiz at Rhea Dimaculangan.

Ang HD Spikers ay huhugot ng pu­wersa kina Germans Lindsay Stalzer at Sarah Ammerman kasama sina Honey Royse Tubino, Abigail Praca at Jeck Dionela.

Laro Ngayon

(Smart AranetaColiseum)

1 p.m. Openingceremonies

2 p.m. Cignal vs RC Cola-Air Force

4 p.m. Generika vs Petron

 

Show comments