CARSON, California--Dahil nagpahayag sina Nonito Donaire Jr. at Nicholas Walters ng kahandaan na saktan ang bawat isa sa Sabado (Linggo sa Manila) kaya’t minabuti ng kanilang promoters na tiyakin na hindi sila magsasalubong o mag-aabot sa media workout sa 202 Fitness Gym sa Santa Monica dito kahapon.
Hindi maiinip ang mga manonood sa salpukan nina Nonito Donaire Jr. at Nicholas Walters sa Sabado dahil pareho nilang tiniyak ang kahandaan na patumbahin ang isa’t-isa.
Nagsagawa ng hiwalay na panayam ang dalawang boxers sa isinagawang media workouts kahapon sa 202 Fitness Gym.
Si Walters na hindi pa natatalo sa 24 laban at may mabangis na 20 KOs ang naunang nagsanay at matapos nito ay sinabing itutulad si Donaire sa mga nakatunggali na hindi tumapos ng laban.
“I don’t see this fight going twelve,” wika ni Walters. “Definitely I’m thinking about the knockout. I just don’t want A. I want an A-plus. A knockout is an A-plus. I always think about the knockout.”
Hindi kataka-taka kung bakit maraming natulog sa kamao ni Walters dahil maganda ang kanyang hubog ng katawan at palaban din ang kanyang isipan.
Sunod na pumalit si Donaire at ipinamalas ang taglay na bilis na ikukumbinasyon niya sa kanyang lakas para mapabagsak ang challenger.
Itataya ni Donaire ang suot na WBA featherweight title sa StubHub Center sa Carlson, California.
“We both have speed, we both have power. It’s an explosive fight. This is going to end in a knockout. I will go into the ring and do my best,” pahayag ni Donaire na may 33-2 karta at 21 KOs.