Shakey’s V-League season 11TH Army nakatutok sa Win No. 3 vs PLDT

STANDINGS        W    L

Women’s 

Army                        2    0

Cagayan                                  2    1

PLDT Home Telpad             1    1

Meralco                                  0    3

Men’s

IEM                           2    1

Systema                                  1    1

RTU                           1    1

FEU                           1    2

 Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. Systema vs RTU

6 p.m.  Army vs PLDT

 

MANILA, Philippines - Babalik sa aksyon nga­yon ang Army Lady Troo­pers at balak na panatilihin ang malinis na karta habang mag-uunahan ang Systema Active Sma­shers at Rizal Technological University Blue Thunders na makasalo sa liderato sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-4 ng hapon magsisimula ang tagisan ng Systema at RTU sa men’s division at ang mananalo ay makakasalo sa Instituto Estetico Manila Volley Masters sa unang puwesto sa 2-1 baraha.

Galing sa panalo ang Systema sa FEU Tamaraws noong Oktubre 7 pero may momentum din ang RTU dahil tinalo nila ang Volley Masters sa hu-ling laro.

Ikatlong sunod na panalo ang nais hablutin ng Lady Troopers kontra sa PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi.

Sakaling makuha ito ng Army, titibay ang pag­hahabol nila ng puwesto sa championship sa ligang inorganisa ng Sports Vision at katuwang ang Shakey’s bukod sa suporta ng Accel at Mikasa.

Sa pagtutulungan nina Dindin Santiago, Rachel Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga, Mary Jean Balse Nerissa Bautista at Tina Salak ay nanaig ang Army sa Cagayan Valley Lady Rising Suns at Meralco Power Spikers.

Inaasahang masusukat ang husay ng Open Conference champion Army dahil beteranang koponan ang PLDT.

Show comments