UP, National Idols Force kampeon uli sa Ateneo Open 4 volley

MANILA, Philippines – Napanatili ng UP at Na­tional Idols Force ang kanilang women’s at men’s titles sa Ateneo Open 4 volleyball tournament na natapos noong Linggo sa Blue Eagle Gym.

Tinalo ng Lady Maroons ang College of St. Benilde nang bumangon sila mula sa 1-2 iskor  tungo sa 17-25, 25-7, 23-25, 25-21, 15-5, panalo.

Humataw din ang National Idols Force na dating kilala bilang Makati Idols, sa 25-19, 18-25, 25-21, panalo sa Ateneo-B.

Sina Kathy Bersola ng UP at National Idols Force Ran Abdilla ang siyang kinilala bilang MVPs sa magkabilang dibisyon.

Ang National University ang siyang kumuha sa ikatlong puwesto sa kababaihan matapos ang 24-26, 25-19, 15-10, panalo Jose Rizal University.

Show comments