Pacquiao-M’weather fight sa 2015 tuloy na - Floyd Sr.

MANILA, Philippines - Wala pang plano si Floyd Mayweather, Jr. para sa kanyang mga lalabanan sa 2015, ngunit ang kanyang amang si Floyd Sr. ay tiniyak nang isa sa mga ito ay kontra kay Manny Pacquiao.

“It’s gonna happen. That fight’s gonna happen. Trust me,” paniniyak ni Floyd Sr. sa naturang Pacquiao-Mayweather super fight sa panayam ng fighthype.com.

“That fight’s definitely gonna happen. It’s a fight for the world, man, and  right there. It’s the biggest fight that has ever been in life, so like I said, man, that fight’s gonna happen,” dagdag pa ng father/trainer.

Tatlong beses nabasura ang negosasyon para sa nasabing mega showdown dahil sa mga isyu sa pagsailalim sa Olympic-style drug at blood testing at hatian sa prize money.

Ngunit pumayag na si Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) sa naturang mga kondisyon para lamang maplantsa ang kanilang upakan ni Mayweather (47-0-0, 26 KOs).

Inamin ni Floyd Sr. na wala pang nababanggit si Mayweather kung sino ang gusto niyang harapin sa kanyang huling dalawang laban para sa Showtime network.

Subalit naniniwala si Floyd Sr. na isa rito ay si Pacquiao.

“I’ll tell you right now, he never told me the fight’s gonna happen, but ... the fight’s gonna happen,”  wika ni Floyd Sr.. “You mark my words, and we’ll see.”

Show comments