Pacquiao tiwala sa kakayahan ng Kia

MANILA, Philippines – Sa kabila ng kanilang 77-88 kabiguan sa Blackwa­ter sa pre-season game no­ong Sabado sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna ay op­timistiko pa rin si playing coach Manny Pacquiao sa ipa­pakita ng Kia Sorento sa 40th season ng PBA.

“Ine-expect natin na ma­kapasok tayo, kahit na semi-finals lang,” sabi ni Pacquiao sa Kia na kaagad isasalang kontra sa Blackwater sa pag­bubukas ng 2014 PBA Philippine Cup sa Oktubre 19 sa Philippine Arena sa Bo­caue, Bulacan.

Naglaro ang Filipino world eight-division champion sa loob ng 10 minuto at 24 segundo sa nasabing pre-season match laban sa Elite ni mentor Leo Isaac.

Nagtala ang 5-foot-6 na si Pacquiao ng 1 point, 1 rebound at 2 turnovers pa­ra sa kanyang unang of­ficial game bilang isang PBA player.

Ang 35-anyos na si Pacquiao ang naging pinaka­ma­tandang rookie sa PBA ma­tapos hirangin ng Kia bi­lang No. 11 overtall pick sa nakaraang PBA Rookie Draft.

Ipinasok ni Pacquiao ang kanyang sarili sa laro sa 9:45 minuto ng second pe­riod.

Kasalukuyang abala ang Sarangani Congressman sa kanyang training camp sa General Santos Ci­ty para sa kanilang world wel­terweight championship fight ni American challenger Chris Algieri.

Lalabanan ni Pacquiao ang 5’10 na si Algieri sa Nob­yembre 22 sa The Ve­ne­tian sa Macau, China.

Tinalo naman ng NLEX ang Grand Slam champions na San Mig Coffee, 84-81, sa isa pang pre-season game.

Sa Panabo City, Davao del Norte, tinalo ng Meralco ang Ginebra, 91-79.

Blackwater 88- Nuy­les 18, Salvacion 15, Ca­wa­ling 12, Menor 7, Laure 6, Heruela 4, Austria 4, Faundo 4, Erram 4, Ga­ma­linda 4, Timberlake 2, Ce­liz 2, Llagas 2, Artadi 2, Ballesteros 2.

Kia 77- Cervantes 23, Alonzo 10, Thiele 9, Lingganay 8, Raymundo 6, Alvarez 5, Revilla 4, Ba­gatsing 3, Ighalo 2, Sanga 2, Padilla 2, Burtscher 2, Pacquiao 1, Saldua 0.

Quarterscores: 22-20; 42-40; 72-58; 88-77.

Show comments