Laro Bukas
(The Arena, San Juan City)
12 n.n. Mapua vs St. Benilde (jrs/srs)
4 p.m. Jose Rizal vs San Sebastian (srs/jrs)
MANILA, Philippines - Nagtulong sa huli sina John Pinto at Ralph Salcedo para angkinin ng Arellano ang mahalagang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four ng 90th NCAA men’s basketball mula sa 78-76 panalo laban sa four-time defending champions na San Beda kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Bumanat ng step-back jumper si Pinto para maitabla ang laro sa 76-76 sa huling 9.3 segundo bago pinangunahan ni Salcedo ang krusyal na depensa na kanya ring kinumpleto sa lay-up sa kabilang dulo tungo sa tagumpay.
Tinapik ni Salcedo ang bola kay Ranbill Tongco at ito ay nakuha ni Keith Agovida.
Agad na ibinato ni Agovida ang bola kay Jiovani Jalalon na naispatan ang nasa unahang si Salcedo para sa winning lay-up.
Ang panalo ay pambawi ng tropa ni coach Jerry Codiñera sa 81-90 pagkatalo sa Red Lions sa una nilang pagkikita.
Higit dito, ang ika-13 panalo sa 17 laro ay nagtiyak ng ‘twice-to-beat’ advantage at puwede pa nilang hawakan ang No. 1 seeding kung maipapanalo ang huling laro laban sa Lyceum Pirates sa Oktubre 8.
Ito ang ikatlong sunod na pagkatalo ng San Beda para tapusin ang double-round elimination taglay ang 13-5 baraha.
Si Dioncee Holts ay may 19 points at 12 rebounds, habang sina Pinto at Agovida ay nagsanib sa pinagsamang 17 puntos.
Hinawakan ng Perpetual Help Altas ang playoff para sa huling upuan sa Final Four sa 92-76 tagumpay sa San Sebastian Stags sa unang laro.
May 29 puntos si Earl Scottie Thompson sa laro at 11 dito ay kinamada sa huling yugto para pasiglabin ang 36-16 palitan upang burahin ng Altas ang 56-60 iskor matapos ang ikatlong yugto.
Si Juneric Baloria ay may 24 markers.
Perpetual 92 — Thompson 29, Baloria 24, Arboleda 16, Alano 12, Dagangon 8, Gallardo 3, Oliveria 0, Dizon 0, Lucente 0, Jolangcob 0.
San Sebastian 76 — Dela Cruz 18, Fabian 18, Guinto 14, Perez 12, Yong 6, Balucanag 4, Calisaan 2, Costelo 2, Camasura 0, Alvarez 0, Pretta 0, Ortuoste 0, Mercado 0.
Quarterscores: 22-21; 31-40; 56-60; 92-76.
Arellano 78 -- Holts 19, Agovida 17, Ciriacruz 12, Pinto 10, Jalalon 8, Gumaru 4, Salcedo 2, Hernandez 2, Bangga 2, Palma 2, Nicholls 0, Caperal 0, Enriquez 0.
San Beda 76 -- Adeogun 23, Amer 18, Dela Cruz 15, Sara 7, Tongco 4, A. Semerad 3, Mendoza 2, Pascual 2, Sorela 2, Koga 0, Mocon 0.
Quarterscores: 16-17; 39-32; 55-58; 78-76.