South Korea ginulat ang Iran para sa gold sa basketball

INCHEON, Korea -- Gi­nu­lat ng host South Korea ang continental champions na Iran, 79-77, para angkinin ang gintong medalya sa men’s basketball competition ng 17th Asian Games di­to kahapon.

Bumangon ang mga Ko­­reans sa isang five-point de­ficit sa huling 2:02 minuto pa­­ra kunin ang kanilang pang-apat na gold medal sa Asiad.

 Huling nagkampeon ang South Korea sa Asian Games noong 2002 sa Bu­san, Korea kung saan nila gi­nulat ang China ni dating NBA superstar Yao Ming.

Umiskor si small forward T.J. Moon ng team-high 19 points at nagsalpak ng da­lawang krusyal na free throws sa dulo ng laro para tu­lu­ngan ang South Korea na ta­lunin ang Iran, naghari sa 2013 FIBA-Asia Championship na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pilipinas.

Show comments