Arevalo minalas sa bronze medal sa karatedo event

INCHEON, Korea -- Hin­di umubra ang kaalaman ng baguhang si Gay Mabel Arevalo laban sa SEA Games silver medalist na si Sru Nita Sari Sukatendel ng In­donesia para mamaalam kaagad sa women’s -50kg. kumite sa 0-8 iskor kahapon sa 17th Asian Games sa Gyeyang gymnasium dito.

Natapos na ang kam­pan­ya ng Pilipinas sa maagang pagyuko ng 20-anyos na baguhang si Arevalo pa­ra makuntento ang anim na ka­ratekas sa isang bronze me­dal na ibinigay ni Mae So­riano sa women’s -55kg. division.

Bunga nito ay nakunten­to ang 150-Pambansang atleta sa isang ginto, tatlong pilak at 11 tansong medalya.

Ang 15 medalya ay nagmula sa anim na sports mu­la sa 25 sports na sinalihan ng Pilipinas.

Nanguna sa naghatid ng karangalan sa Pilipinas ay ang cycling nang magwagi si Fil-Am Daniel Caluag sa BMX event.

Ang wushu ay naghatid ng dalawang silver at isang bronze, ang boxing ay may isang silver at tatlong bronze, ang taekwondo ay may limang bronze at ang archery ay may isang bronze  na naibigay.

Lumabas na kampeon sa karate ang bansang pi­nagmulan ng contact sport, ang Japan, na may tatlong gin­to, isang pilak at tatlong tan­song medalya, habang ang isa pang malakas ay ang Iran na pumangalawa bitbit din ang tatlong ginto at dalawang tanso.

Ang Malaysia ang pi­nakamahusay sa hanay ng Southeast Asia na sumali sa dalawang ginto at dalawang tanso para pumang-apat sa pangkalahatan kasunod ng Kazakhstan na may 2-3-1 medal count. (BRMeraña)

Show comments